Linggo, Oktubre 2, 2011

Entry #3 - AKO BILANG ISANG BAGAY..


      Marahil maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang Gitara, Ito ang napili ko dahil maraming katangian ang gitara na meron din sa akin.  Ang gitara ay isang instrumenting ginagamit sa musika. Simple lang ang gitara, ito ay gawa lamang sa kahoy at iba pang mga materyales. Gaya ko , simple lang at mayroong ding bahagi na bumubuo sa aking pagkatao  tulad ng Diyos, Pamilya, Kaibigan at marami pang iba. 

        Lahat ng mga Gitara ay mayroong mga kwerdas, ito ang pinakaimportanteng parte nito. Ito ang parte ng gitara, na kinakalabit upang makapagbigay ng tunog. Tutunog lamang ang gitara kung may gagamit nito, tulad ko dahil sa sobra akong mahiyain hinihintay ko munang may kumausap saakin bago ako magsalita. 

        Ang bawat gitara ay may mga pangtono, ginagamit ito para maiayos o kaya upang maging maganda at kaayaay ang tunog nito. May mga pagkakamali din kasi ako ngunit nandyan ang mga mga taong pwedeng tumulong upang “maitono ang mga sintunadong parte ng aking buhay”. Ang gitara ay nakapagpapasaya sa tao dahil sa kaayaaya nitong tunog. Sa mga magkakaibigan ginagamit ito para mapasaya ang bawat isa. Ito ang gitara, simple lamang pero maaaring makapagpasaya sa mga tao.

5 komento: